ULANG (kung tawagin sa Pilipinas) ay isang malaki, nakakain at mamahaling-uri ng lamang-tubig na may di-kailang pagkahawig sa anyo ng hipon, sugpo at banagan.
Kilala sa mahahaba nitong mga panipit na karaniwang kulay bughaw (minsan ay kulay kahel) at pati na rin sa kakayahan nitong umabot sa tinatayang haba ng isang siko o lagpas pa.
Ito'y nananahan lamang sa tubig-tabang, datapuwa't nangangailangang mangitlog sa tubig-tabsing (bahaging tubig kung saan naghahalo ang tubig-alat at tubig-tabang) kaya dito sila nagtutungo kapag kapanahunan ng pagpaparami.
Karaniwang matatagpuan sa mga lawa, sapa, batis at mga kailugan. Pawang nahuhuli o inaalagan ito sa iba't-ibang dako ng CALABARZON, kanlurang kabisayaan, kamindanawan at sa kalakhang Indo-Pacifico.
ULANG (Macrobrachium rosenbergii) is a large, edible and a high-value type of aquatic crustacean that has a striking resemblance to shrimp, prawns and lobsters.
It is known for its long claws that are usually blue in color (sometimes orange) and also for its ability to reach an estimated length of one foot or more.
It lives only in freshwater but needs to lay eggs in the brackish-water (a body of water where saltwater and freshwater mix) so they go there during the breeding season.
It is usually found in lakes, streams, creeks, and river systems. They are caught or cultured in various parts of CALABARZON, Western Visayas, Mindanao (Philippines) and across the Indo-Pacific.
Also known as:
Udang (Ilocono)
Kalig (Waray-Leyte)
Paje (Palawano)
Giant Freshwater Prawn (English)
Author:
Arthzky Amolo
2026
@panuklasan