Gaya ng isang kanbas na hinintay ang kanyang pintor upang magbigay kulay sa blangko nitong mukhang malubay; ganoon din kita hinintay na tila ay isang walang wakas na pagninilay.

Tulad ng isang bakanteng pahina sa kwaderno na nakabantay sa pagbalik ng makata upang muling magsulat ng mga tula; kapareho nito ang aking pananabik sa iyong pagbabalik.